Ex-PBB housemate Kenzo Gutierrez, inaresto ng mga pulis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ex-PBB housemate Kenzo Gutierrez, inaresto ng mga pulis

Ex-PBB housemate Kenzo Gutierrez, inaresto ng mga pulis

PUSH TEAM

Clipboard

Arestado ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Karlos Lorenzo Gutierrez o mas kilala bilang Kenzo Gutierrezn matapos magwala at awayin ang mga kapulisan sa Makati nitong madaling araw ng Sabado, Agosto 10.

Ayon sa ulat ng Inquirer.net, ipinatawag umano ang mga awtoridad upang umawat sa isang gulo na kinasasangkutan ni Kenzo sa Pasong Tamo Extension, Barangay Magallanes bandang 1:20 ng umaga.

Kalat naman ngayon ang video na kuha ng Makati Police kung saan nagwawala ang 22-anyos na binata.

“‘Di niyo ba ako kilala? F*ck! P***** ina niyo! Ano? Suntukan na lang tayo?” aniya.

ADVERTISEMENT

Ayon naman sa GMA News reporter na si Mav Gonzales, hindi na nagpa-interview si Kenzo ngunit humingi na ito ng paumanhin sa pulisya.

Aniya, lasing na lasing siya at hindi niya matandaan ang mga nangyari.

Si Kenzo ay napabilang sa teen edition ng Pinoy Big Brother: 737 kasama sina Bailey May, Ylona Garcia at iba pa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.