Niña Dolino, nakikilala bilang ‘Sissy’ ng mga tao dahil sa role niya sa ‘Halik’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Niña Dolino, nakikilala bilang ‘Sissy’ ng mga tao dahil sa role niya sa ‘Halik’

Niña Dolino, nakikilala bilang ‘Sissy’ ng mga tao dahil sa role niya sa ‘Halik’

PUSH TEAM

Clipboard

Sa episode ng PUSH Bets Live nitong Huwebes, March 7, nakasama ng team ang dalawa sa mga pinag-uusapang aktres sa teleseryeng Halik, sina Yam Concepcion at Nina Dolino.

Kuwento ng dalawa, kapag nasa labas sila, nakikilala ng mga tao si Nina bilang 'Sissy' o Marissa na ang kanyang role sa Halik.

"Halos 'Sissy' na nga ang pangalan ko e. Ako naman, okay lang rin, at least nagawa mo bilang artista yung trabaho mo na gumawa ka ng isang karakter," pahayag ni Nina na masaya sa mga natatanggap na feedback sa kanyang pagganap, kahit marami ang naiinis sa karakter ni Marissa.

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion) on

"Actually ang sarap gawin ni Marissa. Masaya lang siya, supportive, may mga drama din, tsaka totoong tao rin," dagdag ni Nina na aminadong mas challenging para sa kanya ang mga bida at mababait na roles.

ADVERTISEMENT

Samantala, bilang isa rin sa mga karakter sa Halik na may negatibong pagtanggap sa manunuod, aminado si Yam na naiinis din siya sa mga umaatake sa kanya sa social media.

"Pero yung pinaka naiinis ako yung mga trolls, ang daming ganon. Ang daming mga fake accounts. If you check the account, 0 posts, 1 follower. Tapos inaatake ka nang personal," kwento ni Yam.

Gayunpaman, nagpapasalamat si Yam dahil simula na gumanap siyang bilang Jade, ay dumami na rin daw ang mga oportunidad sa kanyang karera.

"I'm getting more recognition, and I'm very grateful for RSB Drama Unit, for entrusting me with such a role as Jade," ani Yam, na binigyang halimbawa ang kamakailan na pagtanggap ng Best Actress Award mula sa Gawad Filipino.

Patuloy na mapapanuod ang mag-sissies na sina Yam at Nina sa Halik, sa ABS-CBN Primetime Bida.

Panuoring ang episode dito:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.