MNL48 members, handa na nga ba kilalanin ang MNL48 new gen? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MNL48 members, handa na nga ba kilalanin ang MNL48 new gen?

MNL48 members, handa na nga ba kilalanin ang MNL48 new gen?

Kiko Escuadro

Clipboard

All set na ang MNL48 girls para sa kanilang nalalapit na Living The Dream concert na gaganapin ngayong April 6.

Sa naging panayam ng PUSH at ABS-CBN News, hindi pa din makapaniwala ang frontliner member MNL48 na si MNL Sheki sa kanilang naabot ngayon na tagumpay.

“Super thankful po kaming MNL48 na magkakaroon po kami ng ganitong event. Ito po kasi ang first major concert po namin for the Philippines,” ani Sheki.

Kuwento pa ng MNL48 girls, dapat abangan ang kanilang mga pinasikat na awitin gaya ng ng “Pag-ibig Fotune Cookie”, “Palusot Ko’y Maybe” at ang hit na “Talulot ng Sakura”.

ADVERTISEMENT

“May first six songs na po kami and inihahanda na po namin ang bagong songs po namin na handog namin sa mga supporters po namin,” sabi pa ni Sheki.

At dahil muling magbubukas ang search for second generation of MNL48, naitanong din sa first batch kung gaano sila ka excited para dito.

A post shared by MNL48 (@mnl48official) on

“Kami po sobrang excited po, siyempre lumalaki na ang mundo ng idol industry sa Philippines and nakakatuwa po kasi kung may season 2 na ibig sabihin po nag grow na po MNL48,” pahayag pa ng ilang miyembro ng MNL48.

Sa ngayon, inihahanda na nang MNL48 ang kanilang upcoming songs na ihahandog nila sa kanilang mga taga suporta.

Sa darating na April 6 mapapanuod ang MNL48 sa New Frontier Theater sa Araneta Center, Cubao para sa kanilang Living The Dream Concert.

Read More:

MNL48

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.