Yen Santos open sa pakikipagrelasyon sa isang gay o lesbian | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Yen Santos open sa pakikipagrelasyon sa isang gay o lesbian

Leo Bukas
Published Nov 04, 2019 06:43 PM PHT

Bukas ang isip ng Kapamilya actress si Yen Santos sa posibilidad ng pakipagrelasyon sa isang bading or tomboy. Ito ang direkta niyang inamin sa presscon ng Two Love You nang tanungin siya kung sa palagay ba niya ay puwede siyang ma-in love sa miyembro ng LBTQ+.

Ani Yen, hindi raw naman gender ang basehan ng pagmamahal. Hindi rin daw mahalaga ang kasarian kapag nakaramdam ka ng totoong pagmamahal.

“Hindi ka naman nai-in love dahil sa babae o lalaki siya. Marami akong kaibigang bading at may mga kakilala ako na lesbian ang karelasyon. So, nakikita kong may true love. Nagkakaroon ng true love sa love ng dalawang babae at dalawang lalaki,” pahayag ng aktres.

Dagdag pa ni Yen, “Kaya ko po nasabi ito kasi baka bukas may makilala kang lesbian na bigla kang ma-in love kasi binibigyan ka ng tamang pagmamahal na hindi mo nakukuha sa iba sa mga naging past mo -- ‘yung mga ganu’n po.”

Tanong naman ng press sa kanya, meron na ba siyang naging suitor na lelsbian?

“Siguro po nu’ng grade school, may mga nagpapa-cute pero hindi naman seryoso,” sagot niya.

Bida si Yen kasama sina Lassy Marquez at Hashtag Kid Yambao sa pelikulang Two Love You na istorya tatlong magkakaibang gender na nakahanap ng pag-ibig sa isa’t isa.

Para kay Yen, isang breather ang pelikulang Two Love You pagkatapos niyang gawin ang heavy dramang teleseryeng Halik sa ABS-CBN kasama sina Jericho Rosales, Yam Concepcion at Sam Milby.

“Iba kasi talaga yung Halik. Sobrang nakakapagod and emotionally draining talaga. Sabi ko pagkatapos nito pahinga muna ako sa drama.

“Sakto naman na ‘yung concept niya very light naman kasi after nu’ng Halik heavy drama sabi ko, after nitong Halik, break muna tayo sa drama kaya ito ‘yung perfect project after no’n,” wika pa niya.

Meron din daw silang kissing scene ni Kid sa Two Love You na kailangang ipa-cut ng producer na si Ogie Diaz dahil mahaba ito at malaswa kapag pinanood.

Ayon kay Yen, “R-13 kasi ang habol namin sa MTRCB. Two takes lang naman ‘yun, hindi namin in-expect na pag pinanood na hindi puwede sa bata.

“Sobrang laplapan daw kasi. Wala namang lumabas na dila o laway o kahit na ano. Tapos ‘yun nga pagkapanood ni Mama Ogie, sabi sa akin, ‘uy ha, masyadong ano ‘yung kissing scene n’yo ni Kid, pina-edit ko!’”

Samantala, ang Two Love You ay mula sa Lonewolf Productions at Viva Films sa direksyon ni Benedict Mique. Showing na ito simula Nov. 13 at magkakaroon ng premiere night sa Nov. 10 sa SM Megamall.