Apo ni Emilio Aguinaldo, planong ituwid ang reputasyon ng kanyang lolo sa pelikula | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Apo ni Emilio Aguinaldo, planong ituwid ang reputasyon ng kanyang lolo sa pelikula

Apo ni Emilio Aguinaldo, planong ituwid ang reputasyon ng kanyang lolo sa pelikula

PUSH TEAM

Clipboard

Kasabay ng paglulunsad ng tourism campaign ng “Tara sa Kawit,” umaasa ang isa sa mga apo ni Emilio Aguinaldo na si Kawit, Cavite Mayor Emilio Angelo Aguinaldo na magkaroon ng magandang representasyon sa pelikula ang kanilang heneral na ninuno.

Kasunod ito ng balitang muling pagkakaroon ng biopic ng isa pang bahagi ng kasaysayan na si General Miguel Malvar na gagampanan ni Senator Manny Pacquiao.

Sa naging panayam, inamin ng pang-apat na henerasyon na Aguinaldo na hindi nagustuhan ng kanilang pamilya ang mga pelikulang bahagi sa kuwento ang kanilang lolo at kabilang na rito ang Heneral Luna.

“Ako personally, hindi ako masyado ng happy doon,” tugon ni Angelo Aguinaldo

ADVERTISEMENT

“Parang sa mga past movies na ipinalalabas eh masyado nilang dine-degrade or masyado nilang sinisiraan si General Emilio Aguinaldo,” aniya sa panayam.

“Dahil kay Emilio Aguinaldo kaya tayo malaya ngayon, lalo sa mga students at bagong generation ngayon na dahil sa pakilipaglaban ng aking lolo ay mayroon tayong Independence Day, may ginawang pambansang awit, kumabaga mabalikan ang kasaysayan (ng tama) kumbaga.”

Bilang apo, hiling niya ang tuwid na impormasyon para sa mga kabataan.

“Sana maging open din sa public na kung pag-aaralan po natin, ilang digmaan ang naipanalo ni General Aguinaldo ang hindi naitala sa mga pelikula,” sabi pa niya.

At sa mga may planong isabuhay at ibahagi sa kuwento ni Heneral Aguinaldo, hiling lang ng pamilya ay, “Ang sa akin (at sa amin) lang, sana maging fair lang, mapag-aralan ng maigi ‘yung history, kasi may kanya kanyang sides lagi yan e’ so sana maging tama.”

Hindi rin daw isinasara ng pamilya ang posibilidad na mag-produce ng isang beryson ng pelikula. “Kung gugustuhin po naming pamilya, para maituwid at maging-klaro ang issues,” pahayag pa niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.