Child star CJ Ramos nagsalita tungkol sa kanyang pagkalulong sa bawal na gamot | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Child star CJ Ramos nagsalita tungkol sa kanyang pagkalulong sa bawal na gamot

Child star CJ Ramos nagsalita tungkol sa kanyang pagkalulong sa bawal na gamot

Cristina Malonzo-Balane

Clipboard

Sa ulat ng Rated K, pinuntahan sa Caloocan City Jail ni Korina Sanchez ang dating child star na si CJ Ramos at nagkuwento ito kung bakit nawala siya sa showbiz at nalulong sa masamang bisyo.

Pag dating ko ng high school, medyo tumatamlay na yung karera ko nun. Alanganin yung edad ko ba... hindi na ako pinapapirma ng kontrata ba. Wala akong manager. Kaya napabayaan ko,” lahad nito.

Magtatapos daw sana si CJ ng pag-aaral pero ang higit sa isang milyon na natira sa naipundar niya ay nawala pa nang maloko sila. Matinding hirap ang pinagdaanan ng pamilya nina CJ matapos nito. “Ang inuualam namin sa loob ng dalawang taon. Isang sardinas, itlog at kanin. Naghahati kami ng pamilya,” kuwento pa niya.

Hindi daw sanay sa ganung buhay si CJ kaya siya na-depress. “Dun ako na-depress siguro kasi first time ko po makaramdam ng hirap na ganun e. Kasi nung nagtatrabaho ako nung bata ako, hindi ganun ang buhay ko Ma’am,” paliwanag ni CJ kay Korina.

ADVERTISEMENT

Dito na daw napasama sa masamang barkada si CJ at dito na siya nagsimulang malulong sa pagamit ng shabu.

Sinubukan naman daw ni CJ tumigil sa pagamit ng droga loob ng isang taon. Nang tanungin kung bakit niya naisipang tumigil, sagot ni CJ ay, “dahil sa mga magulang ko na rin po. Nakikita kong malungkot sila. Dahil sa anak ko na rin po.”

Pag-amin pa ni CJ, matagal na niyang di nakikita ang anak niya dahil nasa puder ito ng ina nito. “Hindi ko pa po alam o kaya maging isang ama,” malungkot niyang pahayag.

Nang tanungin kung ano ang pinagsisisihan niya sa pagamit niya ng ipinagbabawal na droga, ang sagot niya ay, “yung napabayaan ko po yung sarili ko.” Na-realize din ni CJ na, “Napakahirap makulong. Sinasabi ko na lang po sa sarili ko na pagsubok lang to.”

Napaiyak din si CJ at sinabing pipilitn na niyang magbagong buhay matapos siyang makalabas ng kulungan. “Gusto ko lang po isang malaya at maayos na buhay... makasama ko lang ang pamilya ko.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.