Bakit walang sinasabi si Katrina Halili tungkol sa ex niyang si Kris Lawrence sa social media? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bakit walang sinasabi si Katrina Halili tungkol sa ex niyang si Kris Lawrence sa social media?

Bakit walang sinasabi si Katrina Halili tungkol sa ex niyang si Kris Lawrence sa social media?

Leo Bukas

Clipboard

Walang negatibong hugot si Katrina Halili sa ex-boyfriend niyang si Kris Lawrence. Wala ring mababasang rants sa kanyang social media account patungkol sa singer na nakarelasyon.

Year 2014 nang maghiwalay sina Katrina at Kris. Nagkaroon sila ng isang anak—si Katie na ngayon ay five years old na.

“Hindi naman ako naging bitter nung naghiwalay kami ni Kris,” paglilinaw ni Katrina. “Naging okay naman yung paghihiwalay namin at nanatili kaming magkaibigan hanggang ngayon,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Katrina, hindi raw talaga siya mahilig mag-post-post ng kung anu-ano about Kris lalo na in public.

ADVERTISEMENT

“Kasi di ba, nasa Bible ‘yan -- honor your father and mother. Paano niya io-honor kung sisiraan ko ang tatay niya?” rason ng aktres.

“Kailangan, ano lang, maganda lang,” sabi ulit niya.

Hindi rin daw niya problema si Kris pagdating sa financial support kay Katie dahil nagsi-share daw naman ito at meron ding kusa.

Aniya, “Nagse-share naman siya, okay naman.”

Okay din daw ang relasyon nilang mag-ina sa family ni Kris.

ADVERTISEMENT

“Sobrang okay. Sobrang mabait ‘yung lolo at lola niya (ni Katie na magulang ni Kris na nasa US), nagpapadala lagi ng mga damit, ‘yung mga kailangan ni Katie,” kwento ni Katrina.

Maging sa mga okasyon sa school ni Katie ay nagpupunta rin daw naman si Kris.

“Pag hindi ako free, tatawagan ko siya, pipilitin ko siya. Pag free kaming dalawa, punta kami.”

Ang hindi na lang daw nila ginagawa together ngayon ay mag-attend sa kanilang church. Magkaiba na raw sila ng church na dinadaluhan ngayon although pareho lang daw naman itong Christian church.

“Huwag na ‘yung church, ‘yung mga school activity na lang. Kaya kung makikita n’yo ako minsan na baka magkasama kami, kasama namin si Katie ganyan, or may activity. Hindi ko naman inaano na pwede kaming magkasama, okay lang yun,” sambit pa niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.