Pelikulang ‘Bad Genius’ inspired sa real-life social media trends | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pelikulang ‘Bad Genius’ inspired sa real-life social media trends

Pelikulang ‘Bad Genius’ inspired sa real-life social media trends

Jeff Fernando

Clipboard

Inspired ang pelikulang Bad Genius sa real life na mga balita at trending social media status ng mga estudyante at kung paano nila nalusutan dahil sa "cheating" ang SAT o Scholastic Aptitude Test. Bida ang mga baguhang Thai actors na sina Chutimon Chuengcharoensukying (Lynn), Chanon Santinatornkul (Bank), Teeradon Supapunpinyo (Pat), at Eisaya Hosuwan (Grace).

Istorya ito ng genius na si Lynn na may ama na isang maprinsipyong educator na gagawin ang lahat para maipasok siya sa magandang school. Kahit di afford ang tuition sa magandang eskuwelahan, nag qualify sa scholarship si Lynn at dito niya nakilala ang well-to-do friends na sina Pat at Grace. Nag-offer si Pat na kapalit ng pera, pakokopyahin niya ito sa kanilang exams dahil di na niya afford na magkaroon ng failing grade. Tumanggi si Lynn sa unang offer pero nang kasama na ang mas marami na nag-offer ng pera kapalit ng pagkopya sa exams, tinanggap na ni Lynn ang alok.

Dahil multiple choice na A, B, C, D, at E ang exams na compatible sa piano keys, pinakabisa ni Lynn sa mga kokopya ang kumpas ng kanyang kamay sa bawat key at dito na nila nakukuha ang sagot.

Mahigpit naman karibal ni Lynn si Bank pagdating sa scholarship at sa grades. Mahirap na pamilya din ang pinanggalingan ni Bank at kailangan galingan para sa pamilya. Nalaman ni Bank ang scheme ng grupo ni Lynn at nagsumbong ito at napatunayan na nagpakopya si Lynn kayat nawala ang oportunidad na magka-scholarship sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT

Sa isang eksena sinundan ng dalawang di kilalang goons si Bank at binugbog. Nagising sa isang tambakan ng basura ito at ‘di nakaabot sa exams para makapag-aral abroad.

Nag-level up pa ang cheating nang mag-offer ang sina Pat at Grace kay Lynn kung paano dadayain ang SAT exams na susi ng magandang college na pwede nilang pasukin. Inaral ni Lynn ang proseso ng exams na pare-pareho tini-take ng students sa buong mundo sa isang araw. Kasama na ngayon si Bank na desperate na magkaroon ng magandang future, nagbayad sa kanila ang maraming estudyante para makuha ang leakage ng SAT.

Lumipad sa Australia sina Lynn at Bank, dahil dito ang unang batch ng SAT exams base sa time difference ng mga bansa. Tuwing break ng exams, tumatakbo papuntang comfort room ang dalawa at dito tini text kay Pat at Grace ang mga sagot para ilagay sa isang bar code sa pencils na gagamitin ng mga nag subscribe sa leakage.

Nahuli si Bank masundan ng proctor sa men’s room. Si Lynn naman, nai-send ang kabuuan ng mga sagot pero kailangan tumakas dahil nahahalata na rin siya ng mga nagbabantay sa exams.

Magkaibang ending ang naging desisyon ng dalawang genius na sina Lynn at Bank. Pinanindigan ni Lynn at di tinanggap ang pera na kinita sa pagbibigay leakage samantalang si Bank naman ay ipinaayos ang laundry business ng kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT

Relate ang pinoy audience sa pelikulang ito at sigurado na kakapit sa kuwento ang mga present students na dumadaan sa parehong mga pagsubok sa buhay.

Highest-grossing film sa ngayon ang pelikulang ito sa Thailand, Hong Kong, Taiwan at Malaysia na nakaabot na ng halos 3 million US Dollars.

Sa October 18, dadating dito sa Pilipinas ang apat na bida ng Bad Genius para suportahan ang Philippine showing ng kanilang pelikula.

Read More:

Bad Genius

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.