‘Maestra’ movie aims to change people’s perceptions of teachers | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Maestra’ movie aims to change people’s perceptions of teachers

‘Maestra’ movie aims to change people’s perceptions of teachers

Jeff Fernando

Clipboard

031517-Maestra1_PUSH.jpgIsang inspirational movie naman ang handog ngayon ng kilalang teacher at businessman na si Carl Balita bilang pagbibigay pugay sa mga guro ngayong panahon ng graduation.

Mula sa mga nakalap na tunay na kuwento ng buhay sa kanyang licensing review center, naglakas loob si Carl na mag-produce ng pelikula sa tulong ng direktor na si Lemuel Lorca.

'The story came from our producer si Carl Balita. Ito yung mga stories ng mga na meet niya na teachers doon sa review center niya. Yung tatlong stories doon [that] are portrayed by Gloria Sevilla, Angeli Bayani, and Anna Luna came from real stories.'

Kuwento ng direktor nito na si Lemuel, iikot ang mga karakter ng mga guro na pagbibidahan ng magagaling na aktres.

'Gloria Sevilla, siya yung retired teacher. Tapos yung kay Angeli Bayani half-Aeta, half-Ilocano na naging vocation niya ang pagtuturo doon sa may Mount Pinatubo. And last si Anna Luna, siya yung top two sa LET exam. Ayun ang naging kuwento na kinuhanan ng inspiration ni Carl Balita.'

ADVERTISEMENT

Pagbabahagi pa ng direktor na bukod sa mapupulot na inspirasyon sa pelikula, magsisilbi din itong paraan upang magkaroon ng mataas na pagtingin ang mga kinauukulan sa mga guro na nagsisilbi sa bayan.

'Mahirap maging teacher. Kailangan ng mas malalim na respeto sa ganyang profession and siguro sumasalamin na ito lalo ngayon para sa mas maging maayos na ang kalagayan ng mga teachers natin dito sa Pilipinas.'

Dagdag pa ni Lemuel , target nilang ipalabas ang Maestra sa mga paaralan upang magbigay inspirasyon sa mga bagong henerasyon ng mag-aaral.

'Target market is to show sa mga schools and as a teacher din kung mapapanuod mo ito siguro mas ma-appreciate mo ang sense mo for what you do as a teacher,' pagtatapos nito.

031517-Maestra2_PUSH.jpg


Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.