Vice Ganda at Vhong Navarro ibinahagi kung paano nila nalaman ang pagpanaw ni Franco Hernandez habang nasa New Zealand | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vice Ganda at Vhong Navarro ibinahagi kung paano nila nalaman ang pagpanaw ni Franco Hernandez habang nasa New Zealand

Vice Ganda at Vhong Navarro ibinahagi kung paano nila nalaman ang pagpanaw ni Franco Hernandez habang nasa New Zealand

PUSH TEAM

Clipboard

Kasabay ng big day ng It’s Showtime host na si Anne Curtis ay ang pagpanaw naman ng Hashtags member na si Franco Hernandez kaya labis ang lungkot ng mga main hosts ng noontime show na nasa New Zealand ng panahong iyon.

Nagulat sila sa balita at sinubukang itago muna ito kay Anne dahil kasal niya na kinabukasan (November 12).

“Ang hirap lang ng pinagdadaanan namin sa New Zealand dahil meron kaming kapatid na alam nating magiging masaya na forever dahil kasama na niya yung magiging mahal niya habang buhay,” sabi ni Vhong kanina sa live telecast ng It’s Showtime, kung saan nagbigay sila ng tribute kay Franco.

Kwento ni Vhong sinubukan pa nilang tanggalin si Anne sa kanilang group chat ngunit huli na ang lahat.

ADVERTISEMENT

“Actually dapat kay Vice ko lang muna itatanong kaya lang group chat pala yun na-message ko kasi nataranta ako tapos nagtanong si Vice.

‘Bakit anong nangyari?’ so nagtanong ako kay direk Jilmer kung totoo nga ang nangyari, nung sinabi niyang oo, parang ang hirap paniwalaan eh, tapos naguusap kami dun sa group chat.

“Ang iniisip namin hangga’t maaari kailangan nating maging matatag para sa kapatid nating si Anne hangga’t maaari ayaw naming mabalitaan ni Anne kasi kinabukasan na yung wedding niya, yung big day niya kaya lang siyempre hindi mo masabi eh, ang dami nang nangyayari so tinry tanggalin ni Vice sa group chat si Anne pero too late nabasa na niya. Tapos ang hirap kasi nagta-try kaming maging masaya nag po-post kami ng mga pictures na masasaya pero sa loob namin ang hirap,” lahad ni Vhong habang nagpipigil ng kanyang luha.

Maging si Vice ay hindi na makapagsaya nang malaman ang masamang balita. Nagpaumanhin siya kay Anne dahil simula nang malaman niya ito ay hindi na siya nakatulog at hindi na nakapunta sa wedding reception nito at ni Erwan Heussaff dahil di niya kayang magpa-picture at makipagparty pa.

Naalala ni Vhong ang mga artistang yumao tulad nina Isabelle Granada, Rico Yan at AJ Perez.

ADVERTISEMENT

“Para sa ‘kin, kung napakabuti mong tao at nakikita natin ngayon yung mga sinasabi natin yung mga nakikita ko sa IG stories … siguro nga tama eh, tapos na ang misyon nila dito kaya sila kinukuha na ng Panginoon,” sambit ni Vhong.

“Franco isang pagsaludo sa kabaitan mo, isang pagsaludo sa talento mo … Salamat sa magandang alalaalang iniwan mo sa amin sana maging inspirasyon ka ng mga tao ngayon,” dagdag pa niya.

Hindi mapigilang umiyak at halos speechless si Vice sa paguumpisa ng noontime show. Inalala niya ang kanyang anak-anakan na laging bumibisita sa kanyang dressing room at naglalambing.

“Wala na yung anak kong conyo, wala na po yung anak kong mayaman yung lagi kong tinatawag na anak kong mayaman. Nalagasan ako ng isang anak,” kwento ni Vice. Lagi daw niyang niloloko si Franco dahil sa kanyang accent.

“Isa siya sa pinakapaborito kong anak kasi sobrang sweet nakikita niyo naman sa mukha ni Franco hindi nawawala yung ngiti niya… siya yung pinakamagaling sumayaw sa second batch, siya yung Zeus ng 2nd batch…” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT

Kasalukuyang nakaburol si Franco sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.