Tetchie Agbayani, iniwan na ang pagtuturo sa St. Joseph College | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tetchie Agbayani, iniwan na ang pagtuturo sa St. Joseph College

Leo Bukas
Published Nov 12, 2017 05:37 PM PHT

Isa ang aktres na si Tetchie Agbayani sa napakalaki ng pagpapahalaga sa edukasyon kahit pa aktibo siya sa pag-aartista. Graduate siya ng Bachelor of Science in Psychology sa St. Joseph College at nagtuturo din ng Psychology sa kanyang alma mater.

Sa presscon ng pelikulang Fallback kung saan isa si Tetchie sa cast, ay inamin niyang tumigil na siya sa pagtuturo.

“At the moment po I’m on hiatus,” pag-amin niya.

Patuloy ni Professor Tetchie, “Tumigil muna ako sa pagtuturo dahil there was a time na ang dami kong sunud-sunod na teleseryeng ginawa at literally dinugo akong pagsabayin yung pagtuturo at pagti-taping,

“Alam n’yo naman sa oras ng taping, di ba, pa-morningan. So, may mga incidents na nangyayari na mapa-pack-up ako ng 6 in the morning and then I just take off my make-up, wear maong and polo then go straight to school dahil ang aking first class noon ay 7:30 ng umaga.

“Tapos magle-lecture pa ako. Medyo mahirap maghukay ng utak kapag puyat ka at walang tulungan. So, after awhile, I had to make the choice and say wag na muna (magturo).”

Para kay Tetchie, enough na rin ang serbisyong ibinigay niya sa dating alma mater.

“Anyway, I’ve taught five years sa St. Joseph. Ang college ko lang naman ay four years, so lamang na sila ng isang taon. Para sa akin tama na yung time na yon to give back to the school that has nurtured me.

“Now I’m just concentrating on acting and taking care of my private life,” deklara ng aktres at former Playboy centerfold model.

First time ni Tetchie na makatrabaho si Direk Jason Paul Laxamana at hindi niya ikinaila na hesitant siyang makatrabaho ito noon dahil sa mga naririnig niyang isyu.

Ani Tetchie, “Actually, when I was offered this movie, akala ko mataray si Direk. Medyo parang, naku teka lang. Okey kaya siyang kasama, baka mahadero? Baka maninigbak or something, di ba?

“But then, I said no, I cannot let impressions cloud my judgment. I’m going to give it a try. And when I did, I was so pleasantly surprised kay Direk.”

Nagustuhan din daw niya ang working style ng award-winning director.

“First of all, ang gusto ko sa director kasi yung alam nya yung gusto niya. Ganun si Jason mag-direk.
“First of all, ang gusto ko sa director kasi yung alam nya yung gusto niya. Ganun si Jason mag-direk.
ADVERTISEMENT
“Tapos siguro, palibhasa writer siya and at the same time siya yung director, pag pinapaarte kami, pag nakita na niya yung gusto niya, good na yon. Walang maraming sayang na energy o sayang na oras. Mabilis siyang katrabaho, light siyang kasama.

“Hindi siya tumitili, hindi ko type yung director na tumitili, naka-mike na nga tumitili pa, medyo nakaka-stress yung ganun. I think, kasi sa edad kong ito, di ba, ayaw na natin nung unnecessary stress. Gusto natin yung happy lang, light lang and that is exactly what I found sa set ni Direk Jason,” paglalarawan niya kay Direk Jason sa PUSH.

Showing na sa November 15 ang Fallback na pinagbibidahan din nina Rhian Ramos, Daniel Matsunaga at Zanjoe Marudo. Produced ang pelikula ng Cineko Productions at ire-release ng Star Cinema.

Read More:
Tetchie Agbayani
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT