Director Dan Villegas shifts from romcom to horror in ‘Ilawod’ | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Director Dan Villegas shifts from romcom to horror in ‘Ilawod’

Director Dan Villegas shifts from romcom to horror in ‘Ilawod’

Leo Bukas

Clipboard

011217-DanVillegas_PUSH.jpgMula sa paggawa ng mga romcom movies tulad ng English Only Please, Always Be My Maybe, The Break-up Playlist at How To Be Yours na pawang certified blockbusters ay sumubok na rin si Dan Villegas na magdirek ng kanyang kauna-unahang horror film.

Sabi ng box-office director, medyo nahirapan siyang gawin ang Ilawod kumpara sa popular romcom na nakasanayan na niyang gawin.

“Hindi po ako sanay eh,' natawang paliwanag award-winning director nang mainterbyu ng Push.com.ph kasama ng ilang entertainment writers sa kanyang pocket presscon para sa Ilawod.

“Siyempre po mahirap din yung paulit-ulit yung ginagawa mong the same genre. Siyempre, mas masarap din naman 'yung makagawa ng bago. You experiment and you got to do new things. So hayun po, mahirap kasi ibang-iba ito,” dagdag pa niya.

Eh, para sa kanya ano bang mas mahirap gawin, horror o romcom?

ADVERTISEMENT

“Pareho naman itong mahirap pero I wanted to try a different genre. Iba naman ang challenge in doing a horror film,” katwiran niya.

Patuloy pa niya, “When Atty. Joji Alonso told me na gusto niyang gumawa ng isang bagong project, naisip ko to talk to Yvette (Tan) and ask kung may script siya na puwede namin gawin.”

Kuwento pa ni Direk Dan, sometime in 2012 pa nila nakapagkasunduan ng writer na si Yvette na isang Palanca awardee na gagawa sila ng movie at ngayon nga lang natupad sa Ilawod na tungkol sa water elemental.

Dalawang magkasunod na taon na may pelikulang kasali si Direk Dan sa Metro Manila Film Festival. Nu’ng 2014 entry niya ang English Only Please nina Derek Ramsay at Jennyly Mercado at nung 2015 ay ang #Walang Forever naman nina Jericho Rosales at Jennylyn.

Bulalas ni Direk Dan, mabuti na lang daw at nakapahinga siya last year sa stress dahil unfortunately hindi umabot sa deadline ang Ilawod.

ADVERTISEMENT

“Hindi kasi, di ba, Paskong-Pasko, naghihintay ka ng ano (update), kung magkano na ba ang kinita ng pelikula namin, Diyos ko!

“Eh nitong ano (last Christmas), ‘ay bahala kayong lahat, basta ako, matutulog ako,’” natatawang pahayag niya.

Pero kahit Christmas and holiday ay super work pa rin daw siya dahil nag-e-edit siya ng pelikula at naghahanda rin para sa serye niyang Ikaw Lang Ang Iibigin nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Samantala, bida sa Ilawod sina Ian Veneracion, Iza Calzado, Epi Quizon, Therese Malvar, Xyriel Manabat at Harvey Bautista.

Produced ito ng Quantum Films, MJM Productions, Tuko Films and Butchi Boy Productions at showing na sa January 18.

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.