EXCLUSIVE: Kiray reveals that most of her suitors are 5’9” and 6’ tall | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

EXCLUSIVE: Kiray reveals that most of her suitors are 5’9” and 6’ tall

EXCLUSIVE: Kiray reveals that most of her suitors are 5’9” and 6’ tall

Leo Bukas

Clipboard

021016-kiray_main.jpgHanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Kiray na nasa kanya ang atensyon ng entertainment press sa dalawang magkasunod na presscon ng Regal Films para sa launching movie niyang Love Is Blind na showing na ngayon.


Hindi ba siya napapagod sa dami ng mga nagtatanong sa kanya at nagpapa-picture kahit saan siya magpunta?


“Well, I’m used to it!” confident niyang pahayag na binawi rin naman kaagad. “Char lang! Hahaha!”


“Nakakapagod palang maging artista (laughs). Naninibago ako kasi hindi naman kayo ganito sa akin dati. First time kong maging ganito po, eh, lagi kang tinatanong.


“Kasi pag sa presscon, minsan hindi naman ako tinatanong. Lagi lang akong nasa gilid. Ngayon gumigitna na ako. Nasa gitna na ako (ng presidential table). Binibigyang-daan na ako, Wow!” tili ng komedyante na parang hindi pa rin makapaniwala.


Dahil hindi pa siya nagkaka-boyfriend at wala daw sa leading men niyang sina Derek Ramsay at Kean Cipriano ang type niyang lalaki, tinanong naman si Kiray kung ano ba talaga ang ideal guy niya.

“Ayoko po ng sobrang guwapo. Gusto ko po yung sakto lang.”


Paano ba niya ide-describe yung sakto lang?


“Yung saktong hindi nakakaumay. Yung sakto na habang tumatagal lalong gumugwapo. Yon ang gusto ko,” sagot niya.


Meron din daw siyang height requirements sa manliligaw at magiging BF niya kung saka-sakali.


“Mas napupunta po ako sa matatangkad sa akin nang sobra. Yung mga 5’9” or 6 feet tall. Karamihan po ng nanliligaw sa akin mga ganu’n ang height. Mas matatangkad po. Walang nanliligaw sa akin na maliit,” rebelasyon ni Kiray.


Dagdag pa ni Kiray, dapat daw ay may boyfriend na siya kaya lang umalis ito ng bansa.


“Meron akong nagustuhan dati kaso po pumunta ng ibang bansa, sa Miami (USA), lagi pong ganu’n. So, sabi ko, siguro hindi pa talaga right time kasi pag may nagugustuhan ako, umaalis. Kaya sabi ko, next time na lang.


“Hindi naman ako nadala o nawalan ng gana, siguro wala pa po akong nakikitang maayos or gusto ko. And yon din po yung gusto ng parents ko. Gusto ko kasi na yung mamahalin ko, mahal din ng family ko,” sabi pa niya.


Samantala, masaya si Kiray sa magandang feedback sa Love Is Blind na pinagbibidahan din ni Solenn Heussaff at sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.


“Lahat ng mga nakapanood nu’ng premiere night, tuwang-tuwa sila. Naaliw at natawa daw sila kaya sobra akong nagpapasalamat. Touched din ako sa support ni Direk Wenn (Deramas) kasama ng mga friends niya na nanood pa ng premiere night,” masayang pahayag ni Kiray.


Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.