Snooky Serna admits she’s considering marrying her 60 year-old boyfriend | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Snooky Serna admits she’s considering marrying her 60 year-old boyfriend

Snooky Serna admits she’s considering marrying her 60 year-old boyfriend

Leo Bukas

Clipboard

110416-SnookySenra.jpgMalaki ang pasasalamat ni Snooky Sernana sa loob ng halos tatlong taon ay naging mabuti ang pagtrato ni MarinaBenipayo, partner ngayon ni Ricardo Cepeda na dati niyang asawa, sa dalawangdalagang anak niya sa actor.

“I’m very thankful talaga na ganu’nniya tinanggap at inaalagaan ang mga anak ko. My children have been telling mena okey siyang mag-alaga sa sa kanila, they enjoyed her company, so I’m verythankful talaga,” emosyonal na pahayag ni Snooky sa Push.com.ph nangmakausap namin siya sa presscon ng GMA-7 series na Hahamakin Ang Lahat.

Puro professionals na ang anak niSnooky na ang edad ay 20 and 23.

“They’re not studying anymore,nagtatrabaho na. They’re working girls in Makati for a very good company. AndI’m so thankful na nagkaroon kami ng mga supling na lumaki nang maganda,God-fearing and very loving children,” sabi pa niya.

Naging vocal din si Snooky sa pag-aminna meron siyang boyfriend ngayon, pero hindi pa raw niya ito puwedeng pakasalankahit annulled na ang kasal nila ni Ricardo.

“Ang understanding kasi naming dalawaas a couple, parang kumbaga, pinag-uusapan namin ito na hanggang sa hindi pasiya nagiging kapatid (sa Iglesia Ni Cristo), hindi pa kami puwedeng ikasal.Hopefully, sana maging member siya.

“Hindi naman ako ang magde-decide no’nkundi siya, eh. I don’t want this interview to sound na I’m being a preacher,but then, really, in our faith, hindi naman tayo ang nagde-decide, eh. Pero angnatutuwa lang ako, willing siya (maging INC) not because of me, but becausenirerespeto niya ang religion ko.”

Pero ipinagdiinan ng aktres na hindiniya ipagpapalit ang kanyang relihiyon sa karelasyon niya ngayon.

“Siyempre, gusto ko rin ulit ikasal,sino ba namang babae ang ayaw, di ba?

“Kaya lang, kahit gaano ko pa siyakamahal, hindi ko talaga ipagpapalit yung religion ko sa kanya. But then, I amhoping and praying naman na sana huwag naman akong i-test… Ito namang akingpartner he’s very open to be a member of our church,” sabi pa niya sa Push.com.

Samantala, Snooky is already 50 yearsold at ang boyfriend naman niya ay 60.

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.