Fashion designers Renee Salud and Eddie Baddeo reveal devotion for the Black Nazarene | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Fashion designers Renee Salud and Eddie Baddeo reveal devotion for the Black Nazarene

Fashion designers Renee Salud and Eddie Baddeo reveal devotion for the Black Nazarene

Jeff Fernando

Clipboard

010816-designers_main.jpgNalalapit na naman ang fiesta ng Black Nazarene sa Quiapo at kilala ang okasyon na ito dahil sa dami ng mga deboto na nagpa-participate mula sa pahalik sa poon hanggang sa prusisyon pabalik sa simbahan ng Quiapo. At ilan sa mga aktibong deboto ay ang veteran fashion designers na sina Renne Salud at Eddie Baddeo.


College student pa lang daw si Mama Renee ng maging deboto siya sa Quiapo. Galing siya ng probinsya at nag-aaral ng Interior Design sa isang university sa Manila. Hirap daw sila sa buhay noon at alam niyang hindi na siya makakatapos ng pag-aaral. Nag-wish siya sa Nazareno na sana ay magkaroon siya ng maayos na trabaho para maka-suporta sa pamilya niya.


'Parang may feeling ka na nandiyan siya at ginagabayan ka basta tuloy-tuloy lang ako naglalakad nga ako ng paluhod doon literally para magdasal at hindi pwede na ‘di ka dadaan sa likod doon para humalik.'


Si Eddie Baddeo naman, dumaan sa matinding depression noong early 2000 at marami daw siyang pinagdadaanan sa buhay. Sumubok daw siyang manalangin sa Quiapo at gumaan daw agad ang pakiramdam niya. Limang beses na rin nakasampa sa andas ng Nazareno si Eddie na isang bagay na mahirap gawin at maari niyang ikamatay kapag nagkamali ng galaw.


'Pero sa totoo lang hindi ako nahulog hindi ako nasaktan sabi ko lord thank you talagang kikilabutan ka kasi grabe as in grabe.'


Noong 2011 si Baddeo ang tumahi ng damit ng Nazareno sa kapistahan nito at ginamitan niya ng Swarovski crystals na tanda ng kanyang pasasalamat. Hanggang ngayon hindi niya makakalimutan ang pakiramdam ng mahawakan ang poon Nazareno.


'Umiiyak ako! Umiiyak ako! Kasi kapag nakita nya ang willingness mo tutulungan ka nya' pagtatapos ni Eddie.


Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.