Director Joel Lamangan has no plans of marrying longtime partner | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Director Joel Lamangan has no plans of marrying longtime partner

Director Joel Lamangan has no plans of marrying longtime partner

Leo Bukas

Clipboard

042515-joel_main.jpgSumabak na rin sa pagdidirek ng pelikulang base sa Wattpad story ang award-winning direktor na si Joel Lamangan. Sa presscon ng pelikulang Your Place Or Mine ng Viva Films ay ikinuwento ni Direk ang kanyang naging karanasan sa paggawa ng ganitong klaseng pelikula.


“Nakita ko na kailangang mag-adjust at nakita ko na ito na yung pagkakataon ko para pag-aralan at mag-adjust sa paggawa ng makabagong pelikula.


“Kaya pala magaling sina Antoinette Jadaone at iba pang mga direktor ng Star Cinema kasi, ‘ah ganu’n pala ‘yon, ah ganyan pala...’ kaya natutututo ako. Hindi ako yung... actually dapat magpasalamat ako kasi natututo ako ng mga bagong uri ng pagkukuwento na batay sa istorya ng mga kabataan.


“Malay mo sa susunod, iba naman ang uri ng pagkukuwento. Kung dati sa komiks, ngayon sa Wattpad na,” kuwento ni Direk Joel.


Aminado ang direktor na takot siyang gawin ang Your Place Or Mine.


“Sa paggawa nga nito, nagdalawang isip nga ako, eh. Kaya ko ba, kaya ko pa ba? Pero okey naman. Kailangan mo lang talagang mag-adjust. And for me, the best way to deal with this Wattpad generation is to confront them and see it as it is now.


“You don’t have to put yourself into it and dictate what you think should be yours, it should be coming intrinsically from what is there in the novel and how it is done now. Because yung novel ay representative ng ngayon, 2015 or 2012. Hindi siya 1993 or 1995. Kailangan mong malaman kung paano i-adjust ang iyong perception sa realidad according sa dinidikta ng libro. Hindi yung sa gusto mo,” paliwanag pa niya.


Kaya lang, ayon kay Direk Joe mas gusto niya ang istorya ng komiks noon kesa Wattpad. “Mas gusto ko yung komiks nung araw, kasi mas malalim ang kuwento ng pag-ibig. Ito (Wattpad) kasi, parang walang pag-ibig, pag-ibig. Chukchakan (sex) na agad ang mga bata... Ngayon, after ng party-party sa bar kahit first time lang magkita, ang tanong agad is ‘Your place or mine?’ Ganun na ngayon. Noon walang ganun. Ligawan muna,” natatawa niyang litanya.


Napunta na rin lang ang kuwentuhan namin sa pag-ibig kaya kinumusta na naman ang kanyang love life. Kumusta na ba sila ng aktor na J.P. ang initials?


“Thirty three years na kaming magkasama, ano pa bang hahanapin ko. Parang magkapatid na lang kami. Kapag 33 years na kayong magkasama, wala na, iba na yung dimension,” sey agad niya.


Wala ba silang balak magpakasal na katulad ng iba?


“Ay ayoko. Hindi ako naniniwala sa kasal ng lalaki sa kapwa lalaki. Hindi ako naniniwala sa piece of paper,” maliksi niyang tugon.


Wala ring balak mag-ampon ang direktor.


“Natatakot akong mag-alaga ng bata dahil buhay yon. Pero napakarami kong aso. Ano mang mangyari sa aso, wala akong burden, eh, yung bata, lalaki yan, at natatakot ako kasi nakakita ako ng mga kaibigan kong nag-ampon-ampon, pero sa huli, tinakwil-takwil din sila ng mga inalagaan nila dahil nalaman nilang bakla sila. Yung iba, nasira ang ulo, nag-drugs...


“Pero marami naman akong pamangkin na pina-graduate, marami naman akong iskolar na hindi ko naman kaanu-ano. Pero yung ako mismo ang mag-aalaga ng bata, hindi ko talaga kaya,” katwiran pa niya.


Bida sa Your Place Or Mine sina Andi Eigenmann, Bret Jackson at Andre Paras. Palabas na ito sa April 29.


Main Photo credit to https://sssip.files.wordpress.com

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.