Ogie Diaz admits he has 'mellowed' for the sake of his children | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ogie Diaz admits he has 'mellowed' for the sake of his children

Ogie Diaz admits he has 'mellowed' for the sake of his children

Rhea Manila Santos

Clipboard

040513-ogie_main.jpgAs Showbiz Inside Report celebrates its first year anniversary this month, host Ogie Diaz said he is proud of the talk show's groundbreaking format. Ogie said he is glad their show has decided to veer away from the usual showbiz talk shows that focus more on intrigues and controversies instead of the in-depth profiling which SIR is known for.


Siyempre kasi ang tao naman parang cellphone eh. Ang uso ngayon iPhone 4S tapos naging iPhone 5, tapos naghihintay na lang sila ng iPhone 6. So ang bilis. So kung hindi mo susundan ang teknolohiya at gusto mo pa ring pumako sa old formula, walang mangyayari. Kailangan sumakay ka sa agos kaya ganun ang ginagawa ng SIR. Kaya kami lahat nasa social networking para alam din ng mga host kung ano na yung mga kaganapan sa industriya. Kaya yung mga pag-o-opinyon namin minsan nanggaling din sa Twitter. Kailangan ganun eh. At saka ayaw na ng mga tao ng emote ng emote, gusto nila nakangiti sila habang nanunuod so kumbaga sa show namin, parang ako rin ang nagsisilbing comic relief doon sa grupo para lang mamatay yung monotony, puro kasi ganun na lang tais nag-e-emote. Minsan sumisingit ako para mawala lang yung tension, yung lungkot,” he shared.


After a whole year of reporting on celebrities, Ogie said that one profile specifically stands out for him. “Actually nakalimutan ko na sa dami eh. Gusto ko yung kay Joey Marquez, kung paano niya itaguyod yung kanyang labing isang anak ba yun? Or siyam na anak. Labing isang anak ni Joey Marquez. Siyempre somehow nakaka-relate ako kasi tatay din ako noh. Pero imagine-in mo sa kanya eleven, yung akin apat lang. Paano niya naitaguyod yung mga anak niya na kumbaga ipinabahala sa kanya ng mga nanay? So ibig sabihin ako natutuwa for Joey kasi pinagkatiwalaan siya ng nanay ng mga anak niya na magtaguyod ng kanilang mga anak in their absence. Kaya sobrang proud ako kay Tsong kasi pinagdaanan din niya kasi na ikinatuwa siya ng tatay niya nung araw. Kaya kaya niyang gawin sa mga anak niya at ayaw niyang gawin ng mga anak niya sa kanya o sa future pamilya ng kanyang mga anak. So ang laki ng natutunan niya sa nakaraan para hindi na gawin sa future ng mga anak niya. So yun,” he said.


As a reporter turned actor, the SIR host said he has learned to take on many responsibilities. “Artista din ako sa mga teleserye. Kung paano ko naba-balanse? Isa lang kasi yung aking motivation eh, ang pamilya. Pag inisip ko yung pamilya ko, dalawang pamilya na umaasa sa akin, papasok na dun yung katotohanang, 'Huwag mong pababayaan trabaho mo, mahalin mo yung trabaho mo para mahalin ka rin pabaik ng trabaho mo. I-ehance mo pa yung mga alam mo. I-discover mo pa yung mga talento mo na pu-puwedeng pagkakitaan para sa pamilya mo tapos iingatan mo rin yung kalusugan mo kasi may dalawang pamilyang umaasa sa ‘yo,’” he explained.


Ogie, who is known for his hot gossip and fearless reporting, admitted he has now mellowed out when it comes to tackling sticky issues. This is because he always has his four daughters—aged 11, nine, five, and three—in mind. “Oo, hindi ako masyadong nagtataray kapag alam kong yung tipong may masabi lang na nakakapagtaray? Hindi ako masyadong nagtataray na kasi nga may mga anak ako eh. Ayoko din naman na biglang kalabitin ako ng anak ko na, 'Daddy, sabi ng teacher ko bakit ka daw nakikipag-away?' Paano ko i-e-explain sa kanila na, 'Anak trabaho ko lang to.' Tapos sasabihin nung bata, 'Teacher, sabi ng daddy ko trabaho daw niya yun.' So ano, trabaho niya makipag-away? Babalik na naman sa akin yun, 'Daddy, trabaho mo ba daw makipag-away?' alam mo yung maloloka ako nun kaya't hangga't maaari ayokong makipag-away. Actually marami din akong mga na-e-encounter ngayon na hindi ko na sinusulat at hindi ko na tinu-tweet na alam kong away ang ending. So kung pupuwedeng ayusin muna at the end of the day nakapag-ayos ako ng problema ng mga artista,” he said.


Catch Ogie Diaz along with co-hosts Carmina Villaruel and Janice de Belen for the first year anniversary of Showbiz Inside Report on April 6, Saturday after It’s Showtime. For more Kapamilya updates, log on daily to As Showbiz Inside Report celebrates its first year anniversary this month, host Ogie Diaz said he is proud of the talk show's groundbreaking format. Ogie said he is glad their show has decided to veer away from the usual showbiz talk shows that focus more on intrigues and controversies instead of the in-depth profiling which SIR is known for.

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.