John Lloyd Cruz says he and Sarah Geronimo wrote the wedding vows for their movie | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

John Lloyd Cruz says he and Sarah Geronimo wrote the wedding vows for their movie

John Lloyd Cruz says he and Sarah Geronimo wrote the wedding vows for their movie

Krissa Donida

Clipboard

042313-jlc-main.jpgHindi pa rin humuhupa ang init sa takilya ng pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na It Takes A Man And A Woman. Marami ang natuwa, na-in love at kinilig sa pelikula ngunit ang hindi alam ng nakararami, sa eksenang kinakasal na ang dalawa, sina John Lloyd at Sarah mismo ang nagsulat ng kanilang mga wedding vows. Ayon kay John Lloyd, “I had to write it as Miggy Montenegro. Medyo mahirap siya, you write from the heart. When I was writing the vows, ang tagal, ilang days. May isang group of words na talagang nagustuhan ni Ate Carmi (Carmi Raymundo, writer ng pelikula). Twineak niya pati kay Sarah, the whole thought, the intention of words. I’m proud to say na kami [ni Sarah] gumawa.”


Dito man o sa ibang bansa umaapaw ang suporta ng mga Pilipino sa pelikulang ito nina Sarah at John Lloyd. Kaya naman nakuha nito ang atensyon ng isang banyagang manunulat na isinubmit kilalang international news media na CNN iReport. Naging malaki ang pagtataka niya sa matinding suporta sa pelikula dahil sa nakita nitong mahabang pila sa mga sinehan kung saan ito palabas at ang pagdayo pa ng ilang mga manonood mula sa mga malalayong lugar para lamang mapanood ang pelikulang ito. Litrato ng mga nakapilang manonood ang kanyang pinost na may caption na, “What is the magic? People falling in line from CA, to NYC to Texas, Virginia, Canada, etc. People driving three to eight hours just to watch this movie to venues where it is showing. So what is this movie really?”


At nang pinanood na din ng manunulat ang pelikula, na may username na menchit, aniya, “Finally, I know why people are falling in line. Amazing to see a non-Hollywood film with lines. With this movie, one will cry, laugh and fall in love all over again. So simple yet one will leave the theater with a smile. A movie for all ages.”


Nang matanong si John Lloyd tungkol sa report na ito, napakalaki ang pasasalamat ng actor sa mga sumuporta mula sa ibang bansa. “Na-feature tayo sa CNN dahil nagtataka siguro mga Kano. Ano ba tong pinipilahan? Sa lahat po ng mga kapamilya natin, sa TFC subscribers, kapamilya maraming maraming salamat. Grabe suporta natanggap natin, hindi lang dito.”


Kaya naman bilang pangalawa sa may pinakamalaking kinita sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino na umabot na sa halos 350 million, nais ipaabot ni John Lloyd at lahat ng bumubuo ng pelikula ang kanilang pasasalamat sa pagsuporta ng lahat sa It Takes A Man and A Woman. “On behalf of Sarah, Direk Cathy (Garcia-Molina), Ate Carmi our writer, and the whole cast, and crew and staff, talagang gusto ko lang magpasalamat ng buong puso, kung di dahil sa inyo di aabot sa ganito ang success ng It Takes A Man and A Woman.”

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.