Director Lawrence Fajardo talks about crossing over from indie to mainstream filmmaking | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Director Lawrence Fajardo talks about crossing over from indie to mainstream filmmaking

Director Lawrence Fajardo talks about crossing over from indie to mainstream filmmaking

Krissa Donida

Clipboard

122012-lawrence_main.jpgMula sa kabi-kabilang mga papuri mula sa mga kritiko at mga parangal na natanggap at nakukuha pa rin para sa mga pelikulang kanyang ginawa, isa na si Lawrence Fajardo sa mga direktor na pinag-uusapan at inaabangan. Ngayon ay sumabak na rin si Direk Lawrence sa kauna-unahan niyang mainstream na pelikula ang The Strangers na isa sa mga entry ng Metro Manila Film Festival ngayong taon na ito.


Sa ginanap na premiere night ng The Strangers, nakakwentuhan ng Push.com.ph si Direk Lawrence at ibinahagi nito ang pakiramdam nang pinapanood ang kanyang pelikula. “Well, excited at kinakabahan ako kasi inaanticipate ko yung reaction ng audience. First mainstream, well masaya ako kasi masaya yung cast ko, masaya yung staff ko. Masaya ako na nandito yung mga fans ng artista na sumusuporta. Masaya ako na nandito ako.”


Inamin din ni Direk Lawrence na may pagkakaiba ang paggawa niya ng pelikulang indie sa pelikulang mainstream at naramdaman niya ito ng husto sa ginanap na premiere night. Lahad nga ng award-winning director, “May difference talaga kasi unang una sanay ako sa mga kaunti lang ang nanonood sa mga pelikula ko so iba yung suporta mula sa mga tao, mula sa mga fans. Iba yung feeling na pinapalakpakan, iba yung feeling na nakangiti lahat, yung pinaghirapan na 24 days na shoot nag-pay off dahil dito na andun lahat na kinocongratulate yung isa’t isa, nandun yung staff na naghahalikan. Alam mo yun, masaya na Christmas na talaga.”


Hindi rin makapaniwala si Direk sa matagumpay ng premiere night ng kanyang unang mainstream film. “Nagulat ako na nandito yung mga fans nila na very supportive sila which is wala yun sa indie filmmaking, hindi ko pa naexperience yung punong-puno ang sinehan at nagtitilian na parang wow! Ang ganda lang ng feeling na ang ganda ng feedback ng audience.”


At sa tanong na kung dahil nga dito ay mas naging inspirado si Direk Lawrence na gumawa pa ng ilang mga pelikulang pang-mainstream, “Yes, oo naman. Ako naman kahit saan mo ako ilagay, indie man yan o experimental, gagawin ko yan. Basta ang importante nandun ako, nandun yung take ko, meron ako dun, meron akong sasabihin sa mga ginagawa ko, yun lang naman ang importante. Kung gagawa ka na hindi mo makikita ang sarili mo, might as well huwag mo na lang gawin or gagawin mo yun because of work, ganun naman.”


Natanong din ng Push tungkol sa halo-halong mga opinyon pagdating sa pagko-crossover mula sa paggawa ng independent film at mainstream film, tulad ng mga isyu ng pagiging “sell-out” at paggamit sa paggawa ng indie para makapasok lamang sa mainstream market. Aniya, “Ako naman wala naman akong problema kung saan mo ako ilagay. Iti-treat ko pa rin yan na trabaho. Second, craft mo yan as a filmmaker. Kung anong gusto mong gawin, gawin mo na ng tama, gawin mo nang maganda.

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.