PBB's Ivan Dorschner gets kiss from Katy Perry | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PBB's Ivan Dorschner gets kiss from Katy Perry
PBB's Ivan Dorschner gets kiss from Katy Perry
Mika Esperanza
Published Jan 25, 2012 01:25 AM PHT

Sa dami nang nangangarap, natupad ng dating
Pinoy Big Brother
housemate na si Ivan Dorschner ang mapili bilang isa sa pinaka-swerteng lalaking mahalikan ng American pop singer na si Katy Perry na nagdaos ng kanyang show kamakailan sa Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City.
Mas naging mainit pa ang pagkakataon ng maghubad ng t-shirt si Ivan bago ito halikan ni Katy sa kanyang kanang pisngi.
Nagpakita naman ng pagkakilig si Perry ng siya naman ang halikan ni Ivan sa kanyang kaliwanag pisngi.
Sa kasiyahan, napasigaw pa si Katy ng 'Thank you, God!'
Matatandaang kamakailan lang ay inanunsiyo ni Katy ang kanyang pakikipaghiwalay sa asawang si Russell Brand.
Dahil na din sa pambibihirang pagkakataon ito para sa isang Pinoy local star na makasalamuha ang isang international artist, nag-trending pa si Ivan sa Twitter.
Maliban kay Ivan, nag-enjoy din sa concert ni Katy ang ilan sa mga Kapamilya stars tulad nila Vice Ganda na pinasalamatan pa ang pop singer sa pagdalaw muli sa bansa.
'Super fun night w/ @lizzzuy @mondgutierrez @isabelledaza @vicki_belo @haydenjr @lovipoe! Thanks Katy Perry for visiting Manila!,' ani Vice Ganda sa Twitter.
Maliban sa 'Teenage Dream' pinasikat ni Katy ang mga awiting 'California Gurls,' 'Firework' at 'Last Friday Night.'
Read More:
Celebrity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT